Maintenance Activities

Maintenance Activities ng TSD Part 3 – November 13, 2021

Kasabay ng energization na ginawa sa Talobatib Substation noong November 13, 2021 (Sabado), nakapag-relocate naman ang iba pang Technical Personnel ng CANORECO ng mga poste ng kuryente at nakapagpalit din ng mga insulator sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Labo.

Ang paglilipat ng mga poste ay parte pa rin ng Road Widening Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang mga electrical insulator naman ay pinaghihiwalay ang mga electrical conductor mula sa isa’t isa at mula sa iba pang istruktura sa paligid nila. At dahil gawa ang mga insulator sa glass, importante ang palagiang pag-maintenance sa kanila dahil ang pagkasira nila ay nagko-cause ng emergency power service interruption.

#ParaSaMemberConsumerOwners
#ParaSaOneECMCOMovement