Bilang paghahanda sa nalalapit na National at Local Elections, nagsasagawa na ang mga technical personnel ng Canoreco ng thermal scanning at ultrasound detector scanning ng ating 69kv poles/lines at substations (Lag-on, Calintaan, Talobatib, Malatap, Tawig at Sta. Rosa) upang ma-check kung gumagana ng maayos ang ating mga electrical facilities at hindi magkakaproblema sa darating na eleksyon.
Sa pamamagitan ng thermal scanner, malalaman kung may problemang “hotspot connection” sa distibution transformers at distribution lines na dulot ng overload at loose connections na siyang nagpapa-trip sa feeders sa substations.
Sa ultrasound detector naman malalaman kung may problema na ang mga insulators dahil sa arcing at flashover. Gaya ng hotspot connection, isa ang pagkasira ng mga insulator sa nagpapa-trip sa ating mga linya at nagdudulot ng EMERGENCY power service interruptions.


