Maintenance Activities

Maintenance Work – June 27, 2023

Alam mo ba ka-MCO? Dahil ang ating beloved province ay mayaman sa mga puno at halaman, kaya patuloy na nagsasagawa ng clearing operations ang ating mga linemen sa mga linya ng kuryente upang maiwasan na dumikit ang mga sanga o dahon rito.
Katulad nung nasa ating mga pictures mula sa team ng Technical Services Department na nag-clearing operations sa Barangay Talobatib, Labo noong 27 June 2023 (Martes) para happy kayo lalo na ngayong mainit tapos biglang uulan.
Kaya sa ating mga plantito at plantita, siguraduhin po natin na malayo at hindi didikit sa mga poste o kawad ng kuryente ang mga puno na itatanim natin.
Maraming salamat ka-MCO!