Maintenance Activities

Maintenance Work – June 29, 2023

Ka-MCO look oh, mayroon ring aktibidad ang Operation and Maintenance Team ng Area II Office. Nasa Barangay Malasugui sila sa bayan ng Labo noong 29 June 2023 (Huwebes) upang magsagawa ng reconstruction ng ating primary at secondary lines.
Alam mo ba? Ang mataas na boltahe ang dumaraan sa mga primary lines na siyang daraan sa isang transformer upang bumaba ang boltahe patungo sa secondary lines na siya namang pinagkukunan ng kuryente para sa ating mga tahanan.
Share niyo naman ang ating Facebook page para mas marami pa ang makakuha ng update at matuto tungkol sa ating Kooperatiba. Salamat MCOs!