Mga ka-MCOs, nagsagawa ng pagpapalit ng 50kVa distribution transformer sa bayan ng Santa Elena ang ating Operation and Maintenance team noong 29 June 2023 (Huwebes) mula Area II Office para sure na maaayos ang suplay ng kuryente sa inyong bahay.
Alam mo ba ka-MCO na mayroong tatlong Area Offices ang ating beloved CANORECO? Yaan ay ang Area I Office na sineserbisyohan ang mga bayan ng Basud, Daet, Mercedes, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay, at Vinzons. Area II Office naman para sa mga bayan ng Labo, Capalonga, at Santa Elena. Tapos sa Area III Office ang mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Kaya naman, dahil nasa Santa Elena ang may kailangan ng serbisyo, Operation and Maintenance ng Area II Office ang rumespunde. Paki-share naman ka-MCO ang ating page para mas maraming maabot ang makaalam tungkol sa ating Kooperatiba.