𝐂𝐀𝐍𝐎𝐑𝐄𝐂𝐎 𝐢𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧. Ang isinagawang energization ng bagong ayos na CANORECO Tawig 10MVA Substation noong 18 March 2023. Ibinalik na rin dito ang pagsusuplay ng kuryente sa Brgys. Batobalani, Calaburnay, Capacuan, Dagang, Dalnac, Malacbang, Maybato, Pinagbirayan Munti, Pinagbirayan Malaki, Talusan, Tawig, Tugos, Poblacion Sur, Poblacion Norte, Palanas, Malaguit, Casalugan at Bagumbayan sa Paracale na pansamantalang sinuplayan ng kuryente ng Talobatib 10MVA Substation.
Patuloy ang upgrading ng ating mga pasilidad sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang masigurong mayroong maayos na suplay ng kuryente patungo sa ating mga tahanan.
Maraming salamat Member-Consumer-Owners sa inyong suporta!