Daet, Camarines Norte β Isang makabagong hakbang ang inilunsad ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) upang mas mailapit at mas lalong mapabuti ang serbisyo nito sa Member-Consumer-Owners (MCOs). Sa bagong system ng kooperatiba, maaari nang i-check ng mga MCO ang kanilang power bill anumang oras at saan mang lugar gamit lamang ang kanilang mobile phone, bastaβt may sapat na network coverage sa kanilang area.
Dalawang pamamaraan ang inilunsad para sa bill inquiry. Una, sa pamamagitan ng SMS, ita-type ng consumer ang: BILL <10-digit account number> Halimbawa: BILL 00-0000-0000, at i-send ito sa 0949 560 7630 o 0956 715 6869. Matapos maipadala ay makakatanggap ang MCO ng kumpletong detalye ng kanilang electric bill, kabilang ang total amount na babayaran, due date, disconnection date, billing month, at arrears kung mayroon man. Layunin nitong matulungan ang consumers na makakuha ng impormasyon tungkol sa kanilang bayarin sa kuryente at maiwasan ang late payments.
Pangalawa, maaari rin itong gawin sa Facebook Messenger. Kailangan lamang i-visit ng MCO ang opisyal na Facebook Page ng CANORECO, at i-send ang message na kapareho ng format sa SMS: BILL <10-digit account number> at makakatanggap din sila ng parehong billing details na natatanggap sa text inquiry. Ang system na ito ay inaasahang magpapabilis ng customer engagement at support.
Upang magamit ang serbisyong ito sa pamamagitan ng SMS, kinakailangang nakarehistro sa CANORECO system ang mobile number ng MCO. Para sa number registration o update, may dalawang paraan din. Maaaring magtungo sa pinakamalapit na CANORECO office sa kanilang lugar at iparehistro ang kanilang phone number. Maaari rin namang gawin ito sa SMS sa pamamagitan ng pag-type ng βUPDATE.β Halimbawa: UPDATE 00-0000-0000 09XXXXXXXXX at i-send sa 0949 560 7630 o 0956 715 6869. Matapos i-send, sundan lamang ang prompt instructions na matatanggap sa phone upang makumpleto ang registration o update.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng digital transformation ng Kooperatiba na nakatuon sa mas mabilis, malinaw, at accessible na serbisyo para sa MCOs. Bukod sa bill inquiry, inaasahan ding ilulunsad sa mga susunod na buwan ang iba pang conveniences tulad ng advance payment options at expanded na information dissemination. Kasama rin sa plano ang system enhancements gaya ng real-time advisory alerts at automated announcements ng kooperatiba.
Ang proyektong ito ay patunay ng adhikain ng CANORECO na maghatid ng mas reliable at consumer-centered na serbisyo, upang suportahan ang modernong pangangailangan ng komunidad. Dahil sa mas pinadaling access sa billing information, mas mabibigyan ng kontrol ang consumers sa pag-manage ng kanilang bill at finances na isang hakbang tungo sa mas empowered na member-consumer-owners ng kooperatiba.


