Billing Rates

MAY 2021 BILLING RATES, BUMABA

Bumaba ang billing rates na babayaran para sa May 2021 billing. Ang residential rate ay Php9.1443 per kWh na lamang kumpara sa Php9.7102 per kWh noong nakaraang April 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php8.1919 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php6.5432per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na nasa Php0.5659 per kWh.

Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.4804 per kWh, Transmission Charge ng Php0.0032 per kWh, System Loss Charge ng Php0.0552 per kWh, Lifeline Subsidy at GRAM/ICERA ng Php0.0242 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0029 per kWh.

Bumaba ang Generation Charge dahil sa mas mababang average rate ng pinagsamang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), at sa Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) para sa supply month ng April 2021.

Bumaba rin ang presyo ng kuryente noong mga Sunday at Holiday ng nasabing buwan. Ang WESM at APRI ang kasalukuyang mga power supplier ng CANORECO.

Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Samantala, bumaba naman ang Transmission Charge dahil sa mas mababang average transmission rate sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng WESM at APRI, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.