COOP Activities

Meeting with Parent Leaders ng San Lorenzo Ruiz DSWD 4Ps

4Ps MCOs!
Ngayong araw, July 7, 2023, tayo po ay nakipag-usap din sa mga Parent Leaders ng bayan ng San Lorenzo Ruiz na may 12 barangays. Tinalakay po natin kung ano, sino, kailan, saan at paano makakapag-aplay para sa Lifeline Rate Discount ng Republic Act 11552.
Ito po ay sa tulong ni DSWD 4Ps Municipal Operations OIC na si Ms. Nicole Mae Nicol at ng kanyang mga kasamahan sa San Lorenzo Ruiz.
Kaya naman, sa mga 4Ps po natin na nagkokonsumo ng 20kWh pababa kada buwan, halina at mag-aplay sa Lifeline Rate Discount. Makakabawas po ito sa bayarin ninyo sa kuryente.
Tara! Aplay na mga 4Ps MCOs!