COOP Activities

Mercedes District Election Result!

Amin pong ipinapaalam sa Member Consumer Owners (MCO) ng ating kooperatiba sa distrito ng Mercedes na si Mr. Arwin A. Segundo ang nahalal bilang bago ninyong CANORECO Director. Ginanap po ang eleksyon ngayong July 22 2023 sa nasa 15 na presinto sa 9 na Elementary Schools sa inyong bayan.
Sa dalawa nating kwalipikadong kandidato, nakakuha po si Mr. Arwin A. Segundo ng 1,430 votes samantalang si Mr. Rey B. Villeno ay nakakuha naman po ng 176 votes.
Sa resultang ito ng naganap na eleksyon, si Mr. Arwin A. Segundo po ang magsisilbing Representative ninyo at ng inyong bayan sa ating kooperatiba sa loob ng tatlong taon bilang bahagi ng ating Board of Directors.
Maraming, maraming salamat po sa inyong pagboto at Congratulations CANORECO Director Arwin A. Segundo at sa mga MCO ng Distrito ng Mercedes!