COOP Activities

Online PMS sa ZOOM – November 24, 2022

TINGNAN. Maraming salamat sa mga lumahok sa ating Pre-Membership Seminar (P.M.S.) na ginanap ngayong November 24, 2022 (Huwebes) mula 9:00AM hanggang 11:00AM sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meetings app.
Para sa mga nagnanais na malaman ang mga requirement, bayarin at proseso kung paano mag-apply ng koneksyon ng kuryente sa ating Kooperatiba, magpalista lamang po sa ating Main Office (Talisay), sa mga Area Offices, at Service Centers.
Maaari rin pong tumawag o magtext sa ating hotline numbers/contact numbers upang magpalista. Ibigay lamang po ang inyong pangalan, address, at contact number.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta sa ating Kooperatiba.