Sa kauna-unahang pong pagkakataon ay naisagawa ng CANORECO ang Pre Membership Seminar (PMS) nito sa pamamagitan ng ZOOM ngayong araw, May 6, 2021. Ito po ay para sa kaligtasan ng ating mga Member Consumer Owners (MCOs) at ng mga empleyado ng kooperatiba na nagpapa-seminar mula sa banta ng pandemyang Covid-19.
Maraming maraming salamat po sa lahat ng nakalahok sa ONLINE PMS kanina. At sa mga nagnanais pong magpakabit ng kuntador / transformer o magpachange name, magpunta at magpatala lamang sa CANORECO Area Office o Service Center na pinakamalapit sa inyong lugar. Maaari rin po kayong mag-call o mag-text sa kanilang hotline number.
#ParaSaOneECMCOMovement





