CANORECO Advisories

Paliwanag Hinggil sa Nangyaring Pagkawala ng Kuryente nitong Gabi ng Hunyo 4, 2025

Sa isinagawang inspeksyon ng ating mga Technical Personnel sa Basud Line kagabi, 4 Hunyo 2025, kanilang natuklasan ang isang nasunog na Fuse Cutout Assembly sa bahagi ng crossing sa Barangay Magang sa bayan ng Daet. Ito ang naging pangunahing dahilan ng pagkawala ng kuryente sa mga bayan ng Basud, San Lorenzo Ruiz, mga baybaying barangay ng Mercedes, at ilang bahagi ng Daet South.

Dahil dito, nagkaroon din ng hindi pantay na distribusyon ng kuryente sa buong sistema.

Agarang kumilos ang ating mga lineman upang palitan ang nasunog na Fuse Cutout Assembly, at matagumpay na naibalik ang maayos na daloy ng suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Ang Kooperatiba po ay humihingi ng paumanhin sa abala. Patuloy na nagsusumikap ang CANORECO upang mapanatili ang maayos at ligtas na serbisyo para sa lahat.