Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong Hunyo 20, 2018 simulang 6:06 ng umaga hanggang 11:05 ng umaga na naranasan sa ilang bahagi ng Brgy. Lag-on at Central Plaza Complex ay dahilan sa basag na suspension insulator sa may triple circuit sa Total Gas Station, Brgy. Lag-on.
Tinugunan naman ang nasabing problema ng Technical Team ng CANORECO kaya nagkaroon ng Emergency Power Interruption simulang 10:30 ng umaga hanggang 11:05 ng umaga sa Daet South, Brgy 4, Brgy 8, sa bayan ng Daet, coastal areas ng Mercedes, buong bayan ng San Lorenzo Ruiz at Basud upang maisaayos ang nasabing problema.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.

