Scheduled Power Service Interruptions

PALIWANAG SA NANGYARING POWER INTERRUPTION NOONG HULYO 14

Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Hulyo 14, 2018 simulang 5:17 ng hapon hanggang 7:14 ng gabi sa buong bayan ng Sta. Elena, at Southroad sa bayan ng Labo ay dahilan sa nadetach na primary line sa Malaya, BAPA line.

Samantala, ang sanhi naman ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente simulang 7:24 ng gabi hanggang 7:42 ng gabi na naranasan sa Buong bayan ng San Lorenzo Ruiz, Basud at Daet South ay dahilan sa nasirang fuse cut out sa primary line sa may Brgy. Lanion, Basud.

Agad namang tinugunan ng technical team ng CANORECO ang mga nasabing problema.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone nos. 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717 at sa AREA 2 sa teleponong 585-2253 at cellphone nos. 09202850264 at 09951305414