Ang nangyaring power interruption noong Hulyo 9, 2018 simulang 7:03 ng gabi na naranasan sa Buong bayan ng San Vicente, Brgy. Itomang, Cahabaan at Binanuaan sa bayan ng Talisay, Brgy. Alawihao, Dogongan at ilang bahagi ng Brgy. Lag-on sa bayan ng Daet ay dahilan sa naputol na primary jumper at nabasag na insulator sa may Megastar Hotel sa Talisay.
Agad namang tinugunan ng maintenance team ng CANORECO ang nasabing problema at naibalik ang serbisyo ng kuryente ng 8:03 ng gabi.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.

