Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Setyembre 14, 15 at 16, 2018 ay sanhi ng bagyong “Ompong” na nagdulot ng malakas na hangin at malakas na pag-ulan at naging dahilan naman ng pag trip off ng feeder, pagkakaroon ng disturbance sa linya at pagkaputol ng service drops.
Naging handa naman ang technical team ng CANORECO at natugunan ang mga nasabing problema.
Kaugnay nito, patuloy parin ang “clearing of lines” sa iba’t-ibang lugar sa ating probinsya upang maiwasan ang pagkawala ng serbisyo ng kuryente lalo na kapag may naka-ambang sama ng panahon. Inaasahan din ng pamunuan ng CANORECO ang pakikipagtulungan ng mga kasapi konsumidores upang tuluyang malinis ang ating linya alinsunod pa rin sa ginawang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan tungkol sa pagputol ng punongkahoy na nakakasagabal sa linya ng CANORECO, pagbabawal ng pagtanim malapit sa distribution lines at clearing of lines na makakatulong sa magandang serbisyo ng kooperatiba.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717, para naman sa AREA 2 sa cellphone nos. 09286558316 at 09951305414 at AREA 3 Office sa cellphone numbers 09209572048, 09079151163 at 09989561315.

