CANORECO Advisories

Paunawa at Paliwanag Ukol sa Kamakailang Pagkaantala ng Serbisyo ng Kuryente

Minamahal na Member-Consumer-Owners (MCOs),
Nais pong ipabatid ng CANORECO ang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa abalang naidulot ng serye ng pagkaantala ng serbisyo ng kuryente nitong mga nakaraang araw sa bayan ng Basud at ilang barangay sa Mercedes, San Lorenzo Ruiz, at Daet.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng ating Technical Team, natuklasan ang ilang sanhi ng pagkaantala sa serbisyo ng kuryente. Ito ay:
> May pinsala sa linya ng kuryente na natagpuan sa Barangay Hinipaan, Mercedes
> Mayroong malaking paniki (kabog) na nakasabit sa linya ng kuryente sa parehong barangay.
> Sa Barangay Gaboc, isang bahagi ng linya ng kuryente ang tumatama sa isang street light, na nakakaapekto sa daloy ng kuryente.

Agad pong kumilos ang ating Technical Team upang ayusin at ibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, nagpapatuloy ang inspeksyon at pagpapatrolya sa mga linya ng kuryente upang matiyak ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga MCOs.

Ang CANORECO ay kaisa ninyo sa pagnanais ng maayos at episyenteng serbisyo ng kuryente. Asahan po ninyo ang patuloy na pagtutok at pagkilos ng kooperatiba sa mas pagpapabuti ng mga serbisyo nito.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, suporta, at pagtitiwala.

Ito ay Atin, Pangalagaan Natin!