TINGNAN. Ang naganap ng Pre-Membership Seminar kaninang umaga, 17 February 2023 (Biyernes), sa Area I Office, Barangay I sa bayan ng Daet.
Regular na ginaganap ang nasabing seminar tuwing Biyernes sa Area I Office sa ganap na alas-9 ng umaga. Kasama ang pag-attend sa Pre-Membership Seminar sa mga requirements sa pagpapakabit ng serbisyo ng kuryente.
Sa susunod na linggo ay mayroong Pre-Membership Seminar na gaganapin sa Covered Court ng Barangay Batobalani sa bayan ng Paracale sa 23 February 2023 (Huwebes). Sa mga taga-Paracale at Jose Panganiban na nais magpakabit ng serbisyo ng kuryente o kaya naman ay may balak sa hinaharap, magkita-kita tayo sa araw na ito.