Ipinapaalam po sa ating mga MCOs sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Basud, Mercedes; sa Daet South (Brgy. I, II, III, Cobangbang, Mambalite, Bibirao, San Isidro, Camambugan, Magang, Pamorangon, Mancruz, at Calasgasan), sa ilang bahagi ng Daet North (Brgy. IV, VIII, Gubat, Lag-on, at bahagi ng Brgy. VII); kasama na rin ang Central Plaza at SM Hypermarket na tayo po ay makakaranas ng pagkawala ng suplay ng kuryente bukas, 12 November 2022 (Sabado), mula 6:00 hanggang 8:00 ng umaga (2 oras).
Ang sanhi ng pagkawala ng suplay ng kuryente ay para bigyang daan ang correction ng hotspots sa ating Lag-on Substation at iba pang mga gawain para mapanatiling maayos ang operasyon nito.
Maaaring maibalik ang serbisyo ng kuryente anumang oras matapos ang mga nasabing gawain. Paalala po na palaging ituring na mayroong dumadaloy na kuryente ang ating mga linya at mga gamit na kaugnay nito para sa ating kaligtasan.