Scheduled Power Service Interruptions

Scheduled Power Service Interruption – November 12, 2022

Ipinapaalam po sa ating MCOs na nasa bayan ng Paracale at Jose Panganiban na mawawalan ng suplay ng kuryente bukas, 12 November 2022 (Sabado).
Magkakaroon ng momentary interruption ang buong bayan ng Paracale at Jose Panganiban sa pagitan ng 11:00 hanggang 11:15 ng umaga (15 minuto) at 12:45 hanggang 1:00 ng hapon (15 minuto).
Samantala, mananatiling walang suplay ng kuryente mula 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon (2 oras) ang ilang parte ng bayan ng Jose Panganiban bukod sa Santa Elena, San Isidro, San Martin, San Pedro, Dahican, Dayhagan, Salvacion, Tamisan, Santa Rosa Sur, Nakalaya, at bahagi ng Larap at Luklukan Sur.
Ang sanhi ng pagkawala ng suplay ng kuryente ay ang paglalagay ng mga Pole Insulators, paglilinis ng mga linya ng kuryente, at iba pang mga gawain para mapanatiling maaayos ang ating mga linya.
Maaaring maibalik ang serbisyo ng kuryente anumang oras matapos ang mga nasabing gawain. Paalala po na palaging ituring na mayroong dumadaloy na kuryente ang ating mga linya at mga gamit na kaugnay nito para sa ating kaligtasan.