CANORECO Balita

SEPTEMBER 2022 BILLING RATES, TUMAAS

Tumaas ang billing rates na babayaran para sa September 2022 billing. Ang residential rate ay Php16.7227 per kWh na kumpara sa Php14.8432 per kWh noong nakaraang August 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php15.7691 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php14.0421 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na Php1.8795 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge na Php10.3215 per kWh na tumaas ng Php1.6191 per kWh kumpara sa Php8.7024 per kWh noong nakaraang supply month. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng Fuel Cost (Coal Price) na isang pass-through cost na binabayaran sa mga Power Supplier, gaya ng Therma Luzon, Inc. (TLI). Tumaas ang nasabing Fuel Cost ng 23.56% dahil sa mas maraming paggamit ng mas mahal na Coal sa paggawa ng kuryente. Nakadagdag din dito ang mas mataas na Inflation Rate sa pamamagitan ng Philippine Consumer Price Index (CPI) na naging sanhi rin ng pagtaas ng Generation Charge.
Gayundin, tumaas ang System Loss Charge ng Php0.1732 per kWh. Bahagya ring tumaas ang Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0035 per kWh. Tumaas din ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.1551 per kWh.
Samantala, bumaba naman ang Transmission Charge ng Php0.0054 per kWh dahil sa mas mababang Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph