Tumaas ang singil ng kuryente para sa buwan ng Pebrero 2019 na babayaran sa buwan ng Marso. Ang sanhi ng pagtaas ay dahil sa Generation Charge o halaga ng biniling kuryente. Ito ay epekto ng pag shutdown ng Malampaya Natural Gas ng halos dalawang linggo noong nakaraang Enero 2019. Tumaas ang presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng P 1.77/kwh mula sa presyong P 2.97/kwh na naging 4.75/kwh.
Nagkaroon din ng pagbabago sa presyo ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) dahil sa pagtaas ng US Consumer Price Index (US CPI) at Forex Exchange Rate (FOREX) na basehan ng pagbabago ng presyo ng APRI. Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng APRI na nagkakahalagang 46 centavos. Nakapaloob sa Power Supply Contract na pinapayagan ang pagbabago sa computation kapag may paggalaw sa presyo ng mga nabanggit na indeces.
Ang rate sa residential para sa buwan ng Pebrero ay umabot ng P 10.3851 per kwh kumpara noong nakaraang buwan ng Enero na umabot lamang ng P 9.0851 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng P 1.30 per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 9.4316 per kwh para sa buwan ng Pebrero kumpara sa P8.1315 per kwh noong buwan ng Enero o tumaas din ng P 1.30 per kwh.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

