Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Oktubre 2019 billing na babayaran sa Nobyembre 2019. Ang sanhi ng pagtaas ay ang mataas na Generation Charge dahil sa mataas na presyo ng biniling kuryente sa Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI. Naging dahilan ng mataas na presyo sa APRI ang mataas na Newcastle Coal Index para sa buwan ng Setyembre 2019.
Naging dahilan din ang mataas na Transmission Charge sanhi pagtaas ng singil sa Ancillary Charge ng National Grid Corporation of the Phil. O NGCP, na isa sa components ng NGCP billing.
Ang rate sa residential para sa buwan ng Setyembre ay umabot ng P 9.0805 per kwhΒ kumpara noong nakaraang buwan ng AgostoHunyo na P 8.9944 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 8 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.1269 per kwh para sa buwan ng Oktubre kumpara sa P 8.0408 per kwh noong buwan ng Setyembre o tumaas din ng 8 centavos per kwh.
Β
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.

