TINGNAN. Ang naganap na Pre-Membership Seminar (P.M.S.) kaninang umaga, December 13 (Martes), sa Barangay Del Pilar sa bayan ng Capalonga kasama ang ating butihing Director para sa District VIII (Capalonga) at Vice President ng CANORECO Board of Directors na si Director Allan V. Ojas. Nakasama rin natin ang Punong Barangay ng Barangay Del Pilar na si Hon. Bregido P. Tuacar at Barangay Secretary na si Ms. Airen A. Batiancela.
Magkita-kita naman po tayo bukas, December 14 (Miyerkules), alas-1 ng hapon, sa Barangay Covered Court ng Barangay Cabanbanan sa bayan ng San Vicente. Maraming salamat po sa aming MCOs sa patuloy niyo pong suporta!