TINGNAN. Ang naganap na Pre-Membership Seminar (P.M.S.) kaninang umaga, December 21 (Miyerkules), sa Barangay Tuaca sa bayan ng Basud kasama ang ating CANORECO MCO Federation Vice Chairman at Basud MCO Municipal Chairman na si Barangay Kagawad Ramon Barrameda. Nakasama rin natin ang kanilang Punong Barangay na si Hon. Edna Barrameda.
Salamat po sa ating mga MCO officers at MCOs sa inyong suporta! Magkita-kita po tayo sa darating na December 23 (Biyernes), ganap na 8:30AM sa Barangay Man-ogob sa bayan ng San Vicente.