COOP Activities

Task Force Kapatid BOHECO II Batch 1

Bilang bahagi ng Task Force Kapatid, ang CANORECO ay nagpadala ng isang grupo ng Lineman kahapon, December 21, 2021, sa Bohol Electric Cooperatives (BOHECO I at BOHECO II ) sa isla at lalawigan ng Bohol sa Visayas upang tumulong sa power restoration sa nasabing lugar na isa sa mga lalawigan na dinaanan ni Category 5 #TyphoonOdettePH noong December 16-17, 2021.

Ngunit dahil hindi pa raw available ang mga roro papuntang Bohol na sya sanang magta-transport ng ating mga sasakyan, kagamitan at linemen, baka sa isla ng Leyte muna sila i-utilize pansamantala. Ang mga kapatid nating electric cooperative sa isla ng Leyte ay ang LEYECO I, LEYECO II, LEYECO III, LEYECO IV, LEYECO V at SOLECO.
Bago tumulak papuntang Visayas ang grupo ay pinulong muna sila nila General Manager Zandro Gestiada, Safety Officer Engr. Reymond Rada at Occupational Health Nurse Menchie Balane tungkol sa kanilang mga gagawin, mga safety and health protocols at iba pang mga alalahanin.

Naka-assign sa BOHECO/Leyte ang grupo mula December 21, 2021 hanggang January 4, 2022 kung saan doon na sila magdidiwang ng Pasko at Bagong Taon na malayo sa kanilang mga pamilya.

#PowerOn
#WarriorsOfLight
#TaskForceKapatid