Ginanap noong ika-02 ng Agosto 2023 (Miyerkules) sa CANORECO Warehouse ang Transformer Testing Training sa mga piling personnel ng Technical Services Department. Ito ay upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman tungkol sa nasabing gawain.
Bahagi ito sa mga layunin ng Kooperatiba na patuloy na masangkapan ang mga kawani nito ng mga kaalaman upang makapagbigay ng tama at angkop na serbisyo para sa mga Member-Consumer-Owners.


