COOP Activities

Typhoon “Paeng” Restoration Activities Update #9

Mga natumba, humapay o naputol na mga poste; mga linyang nasabitan o nahapayan na mga sanga o mga puno; mga linyang nagkadikitan o naputol. Ilan lamang po ang mga ito sa mga pinsalang dulot ng bagyong “Paeng” sa mga linya ng kuryente sa ating lalawigan.
Tandaan po na ang Camarines Norte ay isang rural province. Ang mga halaman at punong-kahoy ay nakakaapekto sa ating mga linya ng kuryente. Kailangan muna pong maaayos o matanggal ang mga ito bago mapailawan ang inyong mga lugar.
Patuloy pa rin po ang ating CANORECO Technical Teams sa restoration activities.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.