Ang taripa ng kuryente ay binubuo pa rin ng iba’t ibang components (unbundled) alinsunod sa Republic Act 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Samantala, sa pagpapatupad ng probisyon ng Republic Act no. 9337, may mga pagbabago na itinakda ayon sa National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997. Ito ay ang implementasyon ng Value Added Tax o VAT sa taripa ng kuryente na nagsimula noong November 2005 billing.
Tandaan po ang ang mga Distribution Utility gaya ng CANORECO ay collecting agent lamang at inireremit lang po ang nakokolekta sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno , private entities at power suppliers. Makikita sa ibaba ang iba’t ibang components na nakapaloob sa ating billing statement at kung saan ito napupunta. Ang distribution charge, supply charge at metering charge lamang ang napupunta sa CANORECO na ginagamit ng kooperatiba sa maintenance ng mga pasilidad gaya ng mga poste, kuntador , linya o distribution lines para mapanatili ang kaayusan nito.


