Nagsimula na po noong October 5, 2021 ang Registration ng Member Consumer Owners (MCOs) ng CANORECO para sa nalalapit na VIRTUAL Annual General Membership Assembly (AGMA) ng kooperatiba na gaganapin sa December 11, 2021 mula 1:00 ng hapon at mapapanood sa pamamagitan ng Facebook Live sa Facebook account na Canoreco Balita.
Ang registration ay ginagawa sa mga Area Offices, Service Centers at Follow Up Collection Venues ng kooperatiba sa mga araw ng Due Date ng kanilang mga nasasakupang lugar.
Ang mga nakaparehistro ay kasali sa gagawing raffle sa araw ng pagpupulong gamit ang kanilang registration stub na inihuhulog ng mga tagapag-rehistro sa mga drop box.
Ang AGMA ay ang taunang pagpupulong ng mga MCO kung saan iniuulat ng mga opisyal sa mga MCO ang kalagayan ng mga iba’t ibang aspeto ng kooperatiba.
#38thCANORECOAGMA
#VirtualAGMA
#CANORECOItoAyAtinPangalagaanNatin
#ParaSaMemberConsumerOwners
#ParaSaOneECMCOMovement










