Posted onAuthorComments Off on πππππ πππ¬π€ π π¨π«ππ πππ¬π¬π’π―π ππ’π π‘π π¨π πππ² ππ₯πππ«π’π§π
Tumulak papuntang Albay nitong Linggo, 22 ng Enero 2023 sa ganap na alas-6 ng umaga ang team ng CANORECO para sa Task Force Massive Right of Way Clearing para sa Albay Electric Cooperative (ALECO). Binubuo ang team ng limang miyembro na pinangungunahan ng Safety Officer ng CANORECO na si Engr. Reymond L. Rada. Kasama rin sa team sina Lineman Gerardo D. Moya, Lineman Walter R. Morada, Lineman Rommel C. Lacbay, at si Lineman Carlo P. Baptisma. Dala nila ang Emergency Response Vehicle at ang C-6 Manlifter ng Kooperatiba.
Ang nasabing akitibidad ay resulta ng mga naging consultative meetings ng mga kasapi ng Bicol Electric Cooperative Association (B.E.C.A.) na kung saan napagkasunduan na magpadala ng team ang mga Electric Cooperatives ng Bicol Region upang tulungan ang ALECO sa pagsasagawa nito ng right of way clearing mula January 22 hanggang 29. Tinawag ang gawain na ito na βTarabang-tabang para sa ALECO, para sa lambing Albayano!β
Ang right of way clearing ay ang paglilinis ng mga linya ng kuryente mula sa mga sanga ng mga punong kahoy na maaaring dumikit rito. Ayon ito sa Republic Act No. 11361 o βAnti-obstruction of Power Lines Actβ kung saan binibigyan ng karapatan ang mga distribution utility na katulad ng CANORECO na mag-tabas o kaya naman ay magputol ng mga sanga kapag ito ay pumasok na sa 3-meter zone mula sa poste o structure upang tuloy-tuloy ang daloy ng kuryente. Ang pagdikit ng sanga ng isang punong kahoy ay maaaring maging dahilan para magkakaroon ng power service interruption sa isang lugar.
Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taon ay bumalik sa ALECO mula Albay Power Electric Company (APEC) ang pamamahala ng distribusyon ng kuryente sa Albay matapos ang isang Special General Membership Assembly (S.G.M.A.).
Kaya naman, ang CANORECO ng lalawigan ng Camarines Norte; CASURECO I, CASURECO II, CASURECO III, at CASURECO IV ng Camarines Sur; FICELCO ng Catanduanes; SORECO I at SORECO II ng Sorsogon; TISELCO ng Ticao Island; at MASELCO ng Masbate, sa ilalim ng National Electrification Administration (N.E.A.), ay magkakasamang magtutulungan, upang maibangon muli ang ALECO at maibalik ito sa maaayos na operasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph
(Pictures from Albay Electric Cooperative, Inc. Facebook Page)
Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan ng mga nangyaring biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente mula June 6, 2022 (Lunes) hanggang June 12, 2022 (Linggo): JUNE 8, 2022 (12:00PM-1:00PM) Central Plaza Complex sa DAET. Pagpapalit ng sirang crossarm sa may DTI. JUNE 10, 2022 (8:33AM-8:44AM) Mga bayan ng MERCEDES, BASUD, SAN LORENZO RUIZ, DAET, […]
Matagumpay na na-energize ang mga sitio sa ilalim ng S.E.P. 2024 nitong ika-9 ng Mayo 2025 (Biyernes). Sa kabuuan, 552 na kabahayan ang naging benepisyaryo ng Sitio Electrification Program na nakapaloob sa 27 Sitios na nasa loob ng 26 na Barangay na mula sa 10 bayan ng lalawigan. Ito ay ang mga sumusunod: Barangay Site, […]
Ang biglaang pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa buong lalawigan ng Camarines Norte noong Enero 26, 2019 (Sabado) simula alas 8:04 ng umaga hanggang 2:43 ng hapon ay dahilan sa biglaang pagtaas ng insulation power factor sa 50 MVA power transformer ng National Grid Corporation of the Phils. (NGCP). Dahil dito nagkaroon ng agarang emergency […]