CANORECO Balita

𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒, 𝐁𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀

Bumaba ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa April 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 9.7232 per kWh kumpara sa Php 10.1393 per kWh noong nakaraang March 2024 rate. Ang low voltage rate ay Php 8.7696 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 7.2478 per kWh. Ang pagbabang ito ng Php 0.4161 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
• Pagbaba ng Transmission System Charge ng Php 0.5312 per kWh dahil sa pagbaba ng Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng March 2024.
• Pagbaba ng System Loss Charge ng Php 0.0509 per kWh dahil sa pagbaba ng Transmission System Charge.
• Pagbaba ng Lifeline Rate Subsidy Charge ng Php 0.0001 per kWh.
• Pagbaba ng Value Added Tax (VAT) Charges ng Php 0.0232 per kWh.
• Pagtigil ng pagpapatupad ng karagdagang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.0239 per kWh epektibo sa April 2024 billing period ayon sa payo ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation.
Sa kabilang banda:
• Nagpapatuloy ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh mula February 2024 billing alinsunod sa Energy Regulatory Commission (ERC) Resolution No. 01, Series of 2024.
• Nagpapatuloy ang pagkolekta ng Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.2255 per kWh na binubuo ng Php 0.0433 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na kinokolekta ng PSALM Corporation at ng Php 0.1822 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
• Pagbawi ng CANORECO sa Local Franchise Tax (LFT) na 0.5% (0.0050) simula April 2024 hanggang December 2024 billing mula sa mga konsumidores nito alinsunod at sunod sa ERC Resolution No. 02, Series of 2021 na nagpapahintulot sa mga distribution utility, tulad ng CANORECO, na bawiin ang pinapayagang (ibinayad sa Provincial Government of Camarines Norte) LFT kasunod ng pagsusumite ng kumpletong mga dokumento sa ERC.
Sa pagbaba ng power rate na babayaran ngayong May 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong April 2024, mababawasan ng Php 41.61 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 83.22 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 124.83 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa April 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.0998 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.6712 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.6579 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.2559 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4275 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng Energy Regulatory Commission (ERC). Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.