Isinagawa ang Energization ng P-7, Masalong at P-5, Sitio Mayakyak, Mabilo 2 sa bayan ng Labo noong Disyembre 23, 2019. Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) para sa kanilang Sitio Electrification Program partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Dalawampuβt pitong kabahayan sa Brgy. Masalong at labingsiyam na kabahayan sa Brgy. Mabilo 2 ang beneficiaries na nabigyan ng tatlumpung metro na service drop, isang saksakan, at dalawang ilaw kasama na ang kuntador bawat isang beneficiary..
Dinaluhan ang nasabing okasyon ni Director Nicanor B. Neri ng Labo, mga opisyales ng Barangay Masalong sa pangunguna ni Kapitana Dilia Bacerdo at mga opisyales ng Mabilo 2 sa pangunguna ni Kapitan Jonathan Froto at mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni Mr. Manuelito Bartolome, Technical Division Chief ng Area 2.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.

