CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE TUMAAS NGAYONG DISYEMBRE 2019

Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Disyembre 2019 billing na babayaran sa Enero 2020. Ang sanhi ng pagtaas ay ang mataas na Generation Charge dahil sa mataas na presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM. Nagkaroon ng mga unplanned outages ang ilang planta kagaya ng Sual na dahilan ng pagtaas ng presyo sa WESM. Dahil dito, nagkaroon ng pagtaas ng 17 centavos/kwh sa presyo ng WESM dahil sa mga naganap na emergency outages ng mga planta.

Naging dahilan din ang 8 centavos/kwh na pagtaas ng Transmission Charge sanhi naman ng pagtaas ng singil sa Ancillary Charge ng National Grid Corporation of the Phils. o NGCP, na isa sa components ng NGCP billing.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Disyembre ay umabot ng P 9.8011 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng NobyembreHunyo na P 9.3973 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 40 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.8475 per kwh para sa buwan ng Disyembre kumpara sa P 8.4438 per kwh noong buwan ng Nobyembre o tumaas din ng 40 centavos per kwh.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.