CANORECO Balita

CANORECO, Safety Seal Certified Na!

“We follow safety and health protocols against COVID-19.”

Inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) Legazpi City Regional Office ang SAFETY SEAL CERTIFICATION ng CANORECO Talisay Main Office noong September 21, 2021. Ito ay may Safety Seal No. RO5-SS-UTLS-00009 na may bisa hanggang March 21, 2022.

Ito ay matapos mag-apply ng CANORECO sa nasabing programa sang-ayon sa DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI Joint Memorandun Circular No. 21-01 (Safety Implementing Guidelines of the Safety Seal Certification Program) kung saan siniyasat at napatunayan ng DOLE ang pagsunod ng Main Office ng kooperatiba sa “minimum health standards and other requirements”.

Nilalayon ng programang ito na tiyakin sa mga konsumidores at sa pangkalahatang publiko na sumusunod sa Minimum Public Health Standards (MPHS) ang establisyementong pinupuntahan nila; himukin ang paggamit ng StaySafe.ph digital contact tracing application upang palakasin ang contact tracing initiative ng pamahalaan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19; at ligtas na muling buksan ang ekonomiya ng bansa.

Mula pa noong March 17, 2020 nang isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Luzon, marami nang Office of the General Manager (OGM) Memorandum ang nailabas ng pamunuan ng CANORECO sa pamumuno ni General Manager (GM) Zandro Gestiada tungkol sa COVID-19 Protocols.

Ngayong mahigit isang taon na ang nakakaraan mula nang magsimula ang pagkalat ng nasabing sakit sa bansa, masasabing higit na sa Minimum Public Health Standards ang ipinatutupad ng CANORECO masiguro lamang ang kaligtasan ng Member Consumer Owners (MCOs) at ng mga empleyado nito.

Nagpapasalamat ang mga opisyal at empleyado ng CANORECO sa DOLE sa pagkakaloob nito ng Safety Seal Certification sa Main Office ng kooperatiba. Nangangako rin na lalo pang pagbubutihin ang pagbabantay sa kalusugan at kaligtasan ng bawat isa hanggang sa pag-renew ng nasabing certification matapos ang anim (6) na buwan.

“PROTECT OURSELVES TO PROTECT OUR FAMILY AND OUR COMMUNITY AS WELL.” – GM Zandro Gestiada

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph