CANORECO Balita

๐‚๐€๐๐Ž๐‘๐„๐‚๐Ž, ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ’๐Ÿ– ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

Apat napu’t walong taon na ang nakararaan mula ng tanggapin ng National Electrification Administration (NEA) noong October 23, 1975 ang pagpaparehistro ng bagong tatag na electric cooperative (EC) sa Camarines Norte – ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO).
Nagsimula ang programang elektripikasyon sa lalawigan ng Camarines Norte noong isinabatas ang Republic Act (RA) No. 6038 noong 1969 na pinalitan ng Presidential Decree (PD) No. 269 noong 1973. Ang mga batas na ito ang bumuo sa NEA at sa mga Electric Cooperative (EC) sa buong Pilipinas na may mandatong pailawan ang buong bansa mula sa mga siyudad hanggang sa kasuluk-sulukang mga sitio upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Nagsimula ang CANORECO noon sa 5,782 Consumer. Ngayon, may 127,609 Member Consumer Owner (MCO) na ang kooperatiba na may 139,289 consumer connection.
Sa pagdiriwang ng ika-apat napu’t walong anibersaryo ng pagkatatag ng CANORECO, may mga aktibidad na isinasagawa ngayong buwan ng Oktubre.
Sinimulan ang selebrasyon noong October 6, 2023 sa pamamagitan ng Tree Planting Activity sa Sitio Mandulungan, Brgy. Gubat, Daet kung saan nakapagtanim ng 200 mangrove seedlings katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinundan ito noong October 7, 2023 ng Employeesโ€™ Hiking Activity sa Brgy. San Isidro, San Lorenzo Ruiz kung saan nasa 40 na kawani ang sumama sa aktibidad na ito ng CANORECO Occupational Safety & Health Committee (OSHC).
At nagsagawa naman ng Adopt-A-School Program noong October 13, 2023 sa Katutubo Elementary School, Brgy. Bakal, Paracale kung saan namigay ng snacks at school kits sa nasa 180 na mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 at pitong (7) guro.
Susundan ito ng Blood Letting Activity sa CANORECO Daet Area 1 Office na pangangasiwaan ng CANORECO OSHC sa October 20, 2023 mula 8:30AM hanggang 2:00PM katuwang ang Philippine Red Cross โ€“ Daet Chapter.
Magkakaroon din ng pagpapamisa (Holy Mass) sa October 23, 2023 sa mga simbahan sa buong lalawigan na isinasagawa tuwing magdiriwang ng anibersaryo ang kooperatiba. Magsasagawa rin ng simpleng Anniversary Celebration sa parehong petsa kung saan pararangalan ang mapipiling Employee of the Year.
Para naman sa mga Member Consumer Owner (MCO) na updated sa kanilang mga bayarin sa kuryente hanggang September 2023 Power Bill, sila ay makakasali sa CANORECO 48th Founding Anniversary Raffle Promo na ipaparipa sa pamamagitan ng electronic sa OCTOBER 27, 2023 sa oras na 1:00 ng hapon sa CANORECO Talisay Main Office. Maaaring mapanalunan ang sumusunod na papremyo:
– Php20,000.00 (1 Winner)
– Php10,000.00 (1 Winner)
– Php5,000.00 ( 1 Winner kada distrito kabilang ang Daet North at Daet South)
– Php4,000.00 (1 Winner kada distrito kabilang ang Daet North at Daet South)
– Php3,000.00 (1 Winner kada distrito kabilang ang Daet North at Daet South)
– Php2,000.00 (2 Winners kada distrito kabilang ang Daet North at Daet South)
Magtatapos ang isang buwang pagdiriwang sa pamamagitan ng Fun Walk at Clean-Up Drive sa October 28, 2023 sa San Jose Beach, Talisay mula 5:00 ng umaga na isasagawa ng mga kawani ng kooperatiba.
Sa taunang pagdiriwang na ito, muling nagpapasalamat ang CANORECO sa mga MCO na syang nagmamay-ari sa kooperatiba, at sa mga opisyal at empleyado na siya namang nagpapatakbo nito. Nawa’y maging mas maayos ang samahan ng mga MCO, mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba para sa mga susunod pang taon ng Rural Electrification.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph