CANORECO Balita

πŒπ€π‘π‚π‡ πŸπŸŽπŸπŸ‘ ππˆπ‹π‹πˆππ† 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒, ππ”πŒπ€ππ€

Bumaba ang billing rates na babayaran para sa March 2023 billing. Ang residential rate ay Php15.5762 per kWh na lamang kumpara sa Php16.3651 per kWh noong nakaraang February 2023 billing. Ang commercial low voltage rate ay Php14.6226 per kWh at ang commercial high voltage rate naman ay Php12.8141 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na Php0.7889 per kWh.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation System Charge ng Php0.3696 per kWh dahil sa mas mababang Fuel Cost (Coal Price) na binayaran sa ating Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng February 2023. Bumaba ang nasabing Fuel Cost ng Php0.6061 per kWh mula Php8.5245 per kWh pababa sa Php7.9184 per kWh.
Gayunpaman, tumaas ang effective rate ng CANORECO sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Php6.7188 per kWh kumpara sa Php3.9922 per kWh lamang noong nakaraang February Bill dahil sa pagbaba ng average supply margin sa Luzon at Visayas nang nasa 21.19% kumpara sa average supply margin noong January 2023. Iniuugnay din ang pagtaas na ito sa pagbabalik sa normal na operasyon ng mga establisyemento matapos ang Holiday Season na humantong sa pagtaas ng average demand sa 7.07%.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Samantala, bumaba naman ang Transmission System Charge ng Php0.0119 per kWh dahil sa mas mababang Power Delivery Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP); ang System Loss Charge ng Php0.0452 per kWh; ang Lifeline Rate Subsidy ng Php0.0057 per kWh; at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.1385 per kWh.
Natapos na ang pagkolekta ng Generation Rate Adjustment Mechanism/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (GRAM/ICERA) Deferred Accounting Adjustments (DAA) na kinolekta sa loob ng 60 buwan ng PSALM Corporation.
Suspendido pa rin pansamantala ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) na Php0.0364 per kWh dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 na nagsimula noong December 2022 billing hanggang February 2023 billing at ipagpapatuloy mula March 2023 billing hanggang August 2023 billing base sa pinakabagong ERC Notice of Resolution noong February 22, 2023.
Samantala, tumaas naman ang Senior Citizen Subsidy ng Php0.0001 per kWh.
Sa pagbaba ng billing rate na babayaran sa April 2023 para sa mga konsumo sa kuryente ng March 2023, mababawasan ng Php78.89 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php157.78 ang nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php236.67 ang nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa March 2023 billing rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php9.5846 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php0.9579 per kWh; sa System Loss Charge ay Php1.2063 per kWh; sa Government Charges ay Php1.7585 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php0.4580 per kWh; at sa DSM Charges ay Php1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering (DSM) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon. Ang halagang ito ay hindi nagbago mula pa taong 2010.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng iyan ay dumadaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ipatupad ng electric cooperatives. Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at ibinabayad ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at inire-remit sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph