Ang naranasang Emergency Power Service Interruption noong August 24, 2021 (Martes) sa bayan ng Capalonga, Brgy. Bagong Silang sa Labo at Brgy. San Martin sa Jose Panganiban mula 12:13 ng tanghali hanggang 10:06 ng gabi (halos 10 oras), at sa bayan ng Sta. Elena at Southroad barangays ng Labo na na-extend ang naka-schedule na power service interruption mula 4:00 ng hapon hanggang 10:06 ng gabi (mahigit 6 oras) ay dahil tinamaan ng kidlat ang Medium Voltage Switch Gear (MVSG) ng Malatap Substation na nagresulta sa pagkasira ng Vacuum Circuit Breaker na siyang nagbibigay proteksyon sa linya ng Capalonga at Sta. Elena.
Upang pansamantalang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga nabanggit na lugar, nagtayo at naglagay ng dalawang (2) Recloser ang pinagsamang pwersa ng mga Technical Personnel ng Technical Services Department, Area 2 Office at Clearing Team ng CANORECO. Naibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga nasabing lugar bandang 10:06 ng gabi.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Official Facebook Account ng CANORECO, ang Canoreco Balita, at sa Official Website, www.canoreco.com.ph.

