COOP Activities

2021 PHILRECA Convention and 42nd Annual General Membership Meeting – 3rd Day

2021 PHILRECA Convention and
42nd Annual General Membership Meeting
August 24-27, 2021 / 8:00AM-5:00PM /via ZOOM
Arise as One: Championing National Development and Building Sustainable Communities through Rural Electrification

Ngayon po ang ikatlong araw ng #2021PAGMM – ang apat na araw na pagdiriwang na pinakahihintay ng lahat ng 121 Electric Cooperatives (ECs) sa buong bansa kung saan pinaparangalan ang mga EC base sa kanilang isang buong taong performance.

Sa pagkakataong ito, paparangalan ang mga EC base sa kanilang 2020 operations. Ito ang taon kung saan nagsimulang i-lockdown ang maraming lugar sa bansa dahil sa pagkalat ng Covid-19.

Puno man ng hamon ang taong 2020 hanggang sa kasalukuyan, masaya po naming ipinapaalam sa lahat ng Member Consumer Owners (MCOs) ng CANORECO na maayos po nating naitawid ang ating kooperatiba, patunay ang mga award na pormal na ipagkakaloob sa atin ng PHILRECA sa Biyernes, August 27, 2021, ang huling araw ng #2021PAGMM.

Lahat po ng ito #ParaSaMemberConsumerOwners, #ParaSaOneECMCOMovement. #PowerOn!