COOP Activities

PRRD TFK Catanduanes (01/11 Update)

Muli pong nagpadala ang CANORECO ng Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid sa First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) noong January 6, 2021 upang ipagpatuloy ang muling pagpapailaw sa lalawigan at isla ng Catanduanes.

Dala po ng mga Lineman ng Task Force ang mga sako-sakong damit na inipon ng CANORECO mula noong November 2020 galing sa mga empleyado at MCO ng kooperatiba.

Nawa po ay makatulong sa mga kapatid natin sa FICELCO at sa mga binagyong residente ng Catanduanes ang mga tulong mula sa CANORECO at sa mga MCO ng Camarines Norte.