CANORECO Balita

DECEMBER 2020 BILLING RATES, TUMAAS

Tumaas ang billing rates na babayaran para sa December 2020 billing. Ang residential rate ay Php10.1253per kWh na kumpara sa 8.6826 per kWh lamang noong nakaraang November 2020 billing. Samantala, ang low voltage rate ay Php9.1717 per kWh na at ang high voltage rate naman ay Php7.1561 per kWh na. Nagkaroon ng pagtaas na Php1.4426 per kWh.

Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge ng Php0.8171 per kWh, Transmission Charge ng Php0.3401 per kWh, System Loss Charge ng Php0.1289 per kWh, GRAM/ICERA ng Php0.0917 per kWh, Senior Citizen Subsidy at Lifeline Subsidy ng Php0.0312 per kWh, at VAT Charges ng Php0.0336 per kWh.

Tumaas ang Generation Charge dahil sa tumaas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na umabot sa Php36.1766 per kWh; at sa tumaas na Newcastle Coal Index at US Consumer Price Index na bahagi ng billing ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) noong November 2020 na umabot sa Php4.9709 per kWh.

Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Tumaas naman ang Transmission Charge dahil sa tumaas na ancillary service charges sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang tagapaghatid ng kuryente mula sa mga power supplier papunta sa mga substation ng CANORECO.

Ang mga components na ito ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng WESM at APRI, at sa transmission utility na NGCP.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.