Noong May 15, 2023, apat napu’t pitong taon na ang nakararaan mula ng magsimula ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) bilang isang non-stock, non-profit, non-sectarian at non-political electric service distribution utility, at isang tunay na kooperatiba sa elektrisidad na maglilingkod sa labindalawang (12) bayan ng lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ay matapos mailipat sa CANORECO noong May 14, 1976 ang pamamahala sa Daet Electric Plant na isang pribadong kompanyang pinangangasiwaan ng Hidalgo Enterprises. Binili ng CANORECO ang prangkisa at pagmamay-ari ng nasabing kompanya sa halagang Php3,500,000.00 na ipinagkaloob ng National Electrification Administration (NEA) bilang bahagi ng paunang pautang sa bisa ng isang loan agreement.
Nagsimula ang CANORECO noon sa 5,782 Consumers o 5,894 connections. Ngayon, may 126,412 Member Consumer Owners (MCOs) na ang kooperatiba na may 138,108 consumer connections.
Sa pagdiriwang na ito, may mga aktibidad na isinagawa ang CANORECO para sa mga MCOs at sa mga empleyado ng kooperatiba.
Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng taunang pagpapamisa (Holy Mass) noong May 14, 2023 sa mga simbahan sa buong lalawigan tuwing magdiriwang ng anibersaryo ang kooperatiba.
Sa kaarawan ng selebrasyon noong May 15, 2023, namigay ang kooperatiba ng CANORECO Coffee Mugs sa unang 47 MCOs na nagbayad ng kanilang electric bills sa CANORECO Main Office, sa CANORECO Daet Area Office, sa CANORECO Labo Area Office at sa CANORECO Batobalani Area Office. Nasa 188 MCOs sa buong lalawigan ang nakatanggap ng Coffee Mugs.
Sa parehong araw, nagsagawa ng Tree Planting Activity na ginanap katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong May 15, 2023 sa Brgy. Mangcamagong, Basud kung saan nakapagtanim mg 100 seedlings ng Mahogany.
Sinundan ito ng Community Pantry Activity na ginanap noong May 18, 2023 sa Covered Court, Brgy. Tugos, Paracale kasama sina CANORECO District Director Engr. Edwin Lamadrid ng Paracale at CANORECO MCO Federation President Vicente Medenilla ng Paracale.
Nagsasagawa naman sa kasalukuyan ng Employeesโ Teambuilding Activity ang kooperatiba na sinimulan noong May 20-21, 2023 sa Gumaus Bay Resort, Paracale para sa Batch 1. Susundan ito ng Batch 2 sa June 3-4, 2023 at ng Batch 3 na sunod na i-schedule. Noong May 2018 pa ang huling Teambuilding Activity ng kooperatiba na ginanap sa Paradiso Verde Farm, Labo.
Sa taunang pagdiriwang na ito, muling nagpapasalamat ang CANORECO sa mga MCO na syang nagmamay-ari sa kooperatiba, at sa mga opisyal at empleyado na siya namang nagpapatakbo nito. Nawa’y maging mas maayos ang samahan ng mga MCO, mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba para sa mga susunod pang taon ng Rural Electrification.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph