Bumaba ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa June 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 9.1601 per kWh kumpara sa Php 9.8045 per kWh noong nakaraang May 2024 rate. Ang low voltage rate ay Php 8.0313 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 6.6431 per kWh. Ang pagbabang ito ng Php 0.6444 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
• Pagbaba ng Generation System Charge ng Php 0.7269 per kWh dahil sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa ERC Case No. 2024-017 MC noong June 13, 2024 na i-stagger o hatiin ang pagkolekta ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges para sa supply month ng May 2024 sa apat (4) na pantay na monthly installment mula June 2024 hanggang September 2024 billing month.
Subalit maaari itong tumaas sa mga susunod na billing month (July 2024 hanggang September 2024) dahil sa pagkokolekta ng mga ipinagpaliban na WESM Charges.
• Pagbaba ng System Loss Charge ng Php 0.0380 per kWh dahil sa pagbaba ng Generation System Charge.
• Pagbaba ng Lifeline Rate Subsidy Charge ng Php 0.0001 per kWh.
• Pagbaba ng Value Added Tax (VAT) Charges ng Php 0.0546 per kWh.
Sa kabilang banda, tumaas naman ang sumusunod:
• Ang Transmission System Charge ay tumaas ng Php 0.1752 per kWh dahil sa pagtaas ng Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng May 2024.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pagkolekta ng mga sumusunod:
• Nagpapatuloy ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh mula February 2024 billing alinsunod sa Energy Regulatory Commission (ERC) Resolution No. 01, Series of 2024.
• Nagpapatuloy ang pagkolekta ng Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.2255 per kWh na binubuo ng Php 0.0433 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na kinokolekta ng PSALM Corporation at ng Php 0.1822 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
Sa pagbaba ng power rate na babayaran sa July 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong June 2024, mababawasan ng Php 64.44 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 128.88 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 193.32 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa June 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 4.5034 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.7128 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.6426 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.2631 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4273 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph.