CANORECO Balita

39th AGMA ng CANORECO, Isasagawa VIRTUALLY sa August 27, 2022

UPDATE: Sa August 26, 2022 (Biyernes) 2:00 ng hapon na po gaganapin ang Pre-Draw para sa Minor Prizes ng 39th AGMA Raffle.
_________________________________________________________________
Isasagawa ang 39th Annual General Membership Assembly (AGMA) ng CANORECO sa darating na August 27, 2022, araw ng Sabado, mula 1:00 ng hapon sa pamamagitan muli ng Facebook Live Stream sa Facebook account ng kooperatiba na Canoreco Balita.
I. Ano ang AGMA?
Ang AGMA ay ang taunang pagpupulong ng mga Member Consumer Owner (MCO) ng isang EC na isinasagawa ng CANORECO tuwing ika-huling Sabado ng Agosto taon-taon.
II. Ano ang ginagawa sa AGMA?
Ang Lupon ng mga Direktor at ang pamunuan ng CANORECO ay nag-uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2021. Ang agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod:
A. Pagtakda ng Quorum at Pagbasa ng Proof of Publication
B. Pagbasa at Pag-aproba ng Katitikan ng Nakaraang Pagpupulong
C. Ulat ng Pangulo
D. Ulat ng Ingat-Yaman
E. Ulat ng Pangkalahatang Tagapamahala
“State of the EC Address” (SECA)
F. Iba Pang Paksang Tatalakayin
G. Malayang Talakayan
H. Panunumpa sa Tungkulin ng mga Bagong Halal na Opisyales ng Lupon
Kikilalanin at bibigyan din ng parangal ang mga personalidad at institusyon na may mahalagang naiambag sa kooperatiba noong taong 2021. Ang paksa ng palatuntunan ngayong taon ay “Kooperatibang Matatag: Tumutugon sa hamon, daan sa pagbangon, nagbibigay pag-asa sa makabagong panahon.”
III. Ano ang kahalagahan ng AGMA?
Sa pagdalo sa AGMA nabibigyan ng kahalagahan ang partisipasyon ng mga MCO bilang miyembro ng kooperatiba. Ang pagdalo dito ay isa rin sa mga kwalipikasyon para maging isang Direktor ng kooperatiba. Kasama rin ang AGMA attendance sa Key Performance Standard na basehan ng NEA sa pagtukoy ng categorization ng kooperatiba.
IV. Sino ang kwalipikadong MCO ng kooperatiba?
Lahat ng MCO ng kooperatiba ay maaaring magparehistro at dumalo sa AGMA ng kooperatiba. Sila yung mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan at nagbayad ng Php5.00 membership fee. Para naman sa mga nagpakabit ng kuntador sa kanilang pangalan pero hindi pa isang MCO, magbayad lamang ng Php5.00 membership fee at dumalo sa online Pre Membership Seminar ng kooperatiba para makapagparehistro at dumalo sa AGMA ng kooperatiba.
Nagsimula ang pagpaparehistro noong July 4, 2022 at magtatapos sa August 23, 2022. Ito ay ginagawa sa Main Office, Area Offices at Service Centers ng kooperatiba, at sa mga follow up collection activities sa mga bayan tuwing due date. Hinahanapan lamang ng CANORECO Membership ID o kahit anumang valid ID ang MCO para sa madaling pagpaparehistro.
V. Raffle sa AGMA.
Sa taunang AGMA ng kooperatiba, ang parating pinakaaabangan ng mga MCO ay ang raffle na isinasagawa habang nagpupulong sa pamamagitan ng electronic raffle.
Para sa raffle ngayong taon, kasali ang mga nakapagparehistrong MCO ng CANORECO maliban sa mga opisyal at mga empleyado ng kooperatiba at kanilang asawa. Isang raffle entry lamang mayroon ang isang MCO kahit pa mahigit sa isa ang bilang ng kanyang pagmamay-aring kuntador. Dahil dito, ang account name mismo ng MCO ang tatawagin sa raffle at hindi ang kanyang account number.
Gaganapin ang raffle sa araw mismo ng AGMA sa August 27, 2022 mula 1:00 ng hapon. Samantala, magkakaroon naman ng pre-draw para sa minor prizes sa August 26, 2022, 2:00 ng hapon. Lahat ng ito ay mapapanood sa pamamagitan ng Facebook Live Stream sa Facebook account ng kooperatiba na Canoreco Balita. Ang mga mapapanalunang prizes ay ang mga sumusunod:
 Major Prizes:
– 1 unit Motorcycle w/ Side Cart at Php20,000 cash para sa Tagalog Speaking Towns
– 1 unit Motorcycle w/ Side Cart at Php20,000 cash para sa Bicol Speaking Towns
 Minor Prizes:
– 39 units Bicycle (3 Bicycle bawat bayan maliban sa Daet na may North at South)
– 13 winners ng Php10,000 cash bawat bayan maliban sa Daet na may North at South
– 39 winners ng Php5,000 cash bawat bayan maliban sa Daet na may North at South
– 39 winners ng Php3,000 cash bawat bayan maliban sa Daet na may North at South
– 39 winners ng Php1,000 cash bawat bayan maliban sa Daet na may North at South
Inaanyayahan ang mga MCO ng CANORECO na magparehistro, manood at manalo sa ika-39 AGMA ng CANORECO!
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph