Tumaas ang billing rates na babayaran para sa November 2022 billing. Ang residential rate ay Php17.3392 per kWh na kumpara sa Php17.3392 per kWh noong nakaraang October 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php16.9690 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php15.2065 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na Php0.5834 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge na Php11.2718 per kWh na tumaas ng Php0.4411 per kWh kumpara sa Php10.8307 per kWh noong nakaraang supply month. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng Fuel Cost (Coal Price) na isang pass-through cost na binabayaran sa mga Power Supplier, gaya ng Therma Luzon, Inc. (TLI), para sa supply month ng October 2022. Tumaas ang nasabing Fuel Cost ng 3.51% dahil sa mas maraming paggamit ng mas mahal na Coal sa paggawa ng kuryente. Nakadagdag din dito ang paghina ng halaga ng Piso laban sa Dolyar na kasalukuyang nagdudulot ng mas mataas na presyo ng mga bilihin o ng pangkalahatang inflation.
Bukod dito, tumaas din ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na Php9.1254 per kWh na kumpara sa Php7.4201 per kWh noong nakaraang October 2022 dahil sa significant decrease sa average supply margin ng nasa 9.86% na ang katumbas ay nasa 292MW ng kuryente.
Gayundin, tumaas ang Transmission Charge ng Php0.0351 per kWh mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP); System Loss Charge ng Php0.0561 per kWh; Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0171 per kWh; at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.0340 per kWh.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph


