COOP Activities

CANORECO Meeting w/ DSWD Re: Lifeline Rate Discount

TINGNAN. Nagkaroon ng pagpupulong kaninang umaga (21 Hunyo 2023, Miyerkules) ang mga personnel ng CANORECO sa pamamagitan ng Member Services Division nito, sa pangunguna ni OIC Chief Melissa S. Abogado, at mga kinatawan ng D.S.W.D. mula sa Field Office V na si Ms. Sheena C. Tad-o, Social Welfare Officer III, at Mr. Gilbert M. Alfuerte, Provincial Monitoring & Evaluation Officer.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga bagay tungkol sa Lifeline Rate Subsidy na maaaring maibigay sa isang 4Ps Beneficiary. Napag-usapan rin ang mga hakbang upang mas maging maayos ang pagbibigay ng nasabing subsidy sa mga qualified member-consumer-owners.
Ayon sa Implementing Rules & Regulations ng R.A. 11552 at ayon na rin sa itinakda ng E.R.C. na consumption threshold para sa CANORECO, ang mga beneficiaries ng 4Ps ay maaring mabigyan ng subsidy sa kuryente kung sila ay kumokonsumo nito ng hindi lalagpas ng 20kWh kada buwan.
Sa mga 4Ps beneficiaries na pasok ang konsumo sa itinakda ng E.R.C. ay maaaring pumunta sa pinakamalapit na Area Office at magdala lamang ng photocopy ng latest ng power bill at kahit anong government-issued ID cards.
Maraming salamat ka-MCOs!