Nagsagawa ang CANORECO ng Orientation para sa mga Barangay Member Consumer Owner Officers (Barangay MCO Officers) ng bawat distrito o munisipalidad ng Camarines Norte.
Ginawa ang orientation sa mga Barangay MCOs ng distrito ng Sta. Elena noong March 18, 2022 mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon sa Sta. Elena Municipal Gymnasium.
Dinaluhan ito nina CANORECO Director Melchor Antigua; Member Services Officer-In-Charge Melissa Abogado; at ng Barangay MCO Officers at District MCO Officers sa pangunguna ni Kagawad Arnel Villaflores.




