CANORECO Balita

ELEKSYON Para Sa CANORECO DIRECTOR Ng Distrito Ng STA. ELENA Gaganapin Ngayong JULY 23, 2022

Ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ay magkakaroon ng District Election para sa pagka-Direktor sa Distrito ng Sta. Elena sa July 23, 2022 (Sabado). Ang qualified candidates ay si Incumbent Director Melchor D. Antigua at si Mr. Sonny B. Pagao, parehong taga-Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.
Samantala, ang mga qualified voters naman ay ang mga kasapi na ang membership ay naaprubahan ng Board of Directors hanggang April 23, 2022 lamang. Kaya’t tiyakin na ang inyong pangalan ay nakatala sa Masterlist of Members/Voters ng CANORECO na nakapaskil sa mga Barangay Hall ng distrito/bayan ng Sta. Elena.
Ang “proxy voting” ay hindi pinahihintulutan sa eleksyong gaganapin. Ang mga nakarehistro lamang sa masterlist of voters ang maaaring makaboto. Magdala lamang po ng CANORECO ID o anumang VALID ID sa inyong pagboto.
Ang isasagawang election ay pangangasiwaan ng District Election Committee Chairman na si Mr. Roy Mallapre, Head Teacher III ng San Pedro Elementary School, kasama ang mga MCO Municipal Officers na sina Mr. Arnel Villaflores, Mr. Edison Cias at Mr. Jun Tolentino.
Isasagawa ang election sa nasabing araw mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa mga sumusunod na paaralan:
I. Sta. Elena Elementary School (Poblacion)
II. San Vicente Elementary School (San Pedro/San Vicente/Villa San Isidro/Kagtalaba)
III. Rizal Elementary School (Rizal)
IV. Basiad Elementary School (Basiad)
V. M. Hebrado Elementary School (San Lorenzo/Salvacion
VI. Bulala Elementary School (Bulala)
VII. Pulongguit-guit Elementary School (Pulongguit-guit)
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph