CANORECO Balita

JANUARY 2023 BILLING RATES, BUMABA

Bumaba ang billing rates na babayaran para sa January 2023 billing. Ang residential rate ay Php16.9671 per kWh na lamang kumpara sa Php17.4270 per kWh noong nakaraang December 2022 billing. Ang commercial low voltage rate ay Php16.0135 per kWh at ang commercial high voltage rate naman ay Php14.1658 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na Php0.4599 per kWh.

Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation Charge ng Php0.3348 per kWh dahil sa mas mababang Fuel Cost (Coal Price) na binayaran sa ating Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng December 2022. Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Bumaba rin ang Transmission Charge ng Php0.0436 per kWh dahil sa mas mababang Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP); ang System Loss Charge ng Php0.0450 per kWh; at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.0448 per kWh.

Suspendido pa rin pansamantala ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) na Php0.0364 per kWh dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 na nagsimula noong December 2022 billing hanggang sa February 2023 billing.

Samantala, bahagya naman ang naging pagtaas ng Generation Rate Adjustment Mechanism/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (GRAM/ICERA) at Lifeline Subsidy na may kabuuang Php0.0083 per kWh.

Sa pagbaba ng billing rate na babayaran sa February 2023 para sa mga konsumo sa kuryente ng January 2023, mababawasan ng Php49.99 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php91.98 ang nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php137.97 ang nagkokonsumo ng 300kWh.

Sa January 2023 billing rate, ang bayarin sa Generation Charge ay Php10.4534 per kWh; sa Transmission Charge ay Php0.9981 per kWh; sa System Loss Charge ay Php1.3064 per kWh; sa Government Charges ay Php1.9456 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php0.6527 per kWh; at sa DSM Charges ay Php1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering (DSM) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon. Ang halagang ito ay hindi nagbago mula pa taong 2010.

Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng iyan ay dumadaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ipatupad ng electric cooperatives. Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.

Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at ibinabayad ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at inire-remit sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph